Marami sa mga ofw ang nagsasawa ng mangibang bansa at nagpaplano na magsimula na lng ng maliit na negosyo at mamuhay ng masaya kasama ang kanilang pamilya. Ang problema, Hindi nila alam kung anong negosyo ang sisimulan. Paano ba nman, si kapatid may sari sari store, si pinsan nman may beauty saloon. Si hipag naman may ukay ukay. Baka sabihin nila kinumpitensya ko pa sila.
Kaya ang iba, kahit masakit na ang tuhod at nanginginig na ang mga kamay dahil pasmado na, ay patuloy pa din sa pagkayod sa ibang bansa.
Ang nga ba ang magandang negosyo na pwedeng simulan ng isang ofw na gusto nang umuwi for good?
Let me share to you our very own business before. Para nman magkaroon kayo ng konting ideya sa pagkaCanteen. Ang canteen nmin at nasa likod ng mall. Marami syang mga kahilerang mga shop gaya ng saloon, remittance center, atbp. Nung una medyo malaki ang kita kasi dalawa pa lng ang canteen. Sa katagalan dumami na kaya medyo lumiit na ang kita at lumaki na rin ang rent sa mall kaya itinigil na lng ng sister ko ang pagkacannteen. Medyo kumikita pa nman pero Hindi na kinakaya ng kanyang katawan ang stress. Nagbuntis kasi.
Sa pagkacanteen, no need ang napakalaking space. Pinakaimportante may lababo. Tubig. Dalawa o tatlong tao LNG ay kaya ng lahat ang work. Lalong mas malaking advantage kung ikaw mismo ang magluluto, malaking save mo na yun sa araw-araw. Di mo need magsweldo ng cook. Ang ihahire mo na lng ay assistant at isang boy, para sa medyo mabigat na trabaho.
Ang kailangan mo lng gawin ay maghanap ng magandang pwesto para iyong canteen. Like hospitals, schools, terminals, palengke, near factories, and more. Always remember na ang magiging customer mo dito ay yung mga taong hindi kayang umuwi sa bahay para kumain. And there's a possibility na magiging regular customer mo sila.
And in that case, kailangang pakitunguhan mo silang mabuti para mapanatili ung mga customer mo at hindi mangapit-kainan😊. Lagi nating tatandaan na sila ung pinagkakasya lang ung mga allowance hanggang payday o kaya ang baon na bigay ni nanay. MURA AT MASARAP NA PAGKAIN, MABUTING PAKIKITUNGO. Ang dalawang yan ang importanteng sangkap para mapanatili mo ang iyong mga customer. BEFRIEND THEM ika nga.
Kaya kung magaling kang magluto at plano mong magstart ng canteen, unti-unti ka ng mag-ipon ng gamit gaya ng mga sumusunod; stove, water jug, lalagyan ng panindang ulam, dozens of plates, glasses, mugs, estante,.........and more. Para kung makakita ka na ng pwesto, kaunti na lng ang puhunan na kakailanganin mo.😊!
TIPS: Aralin mo muna ang lahat bago magsimula. Kung saan mamimili at ano ang dapat gawin kapag nagsulputan ang mga kakumpitensiya. Sa lahat ng business, gagayahin ka lalo't maganda ang kita. Kaya dapat prepared ka sa lahat ng oras.
Sa kahit anong negosyo, kailangan ang TIYAGA, SIPAG, SAKRIPISYO AT DISKARTE. At higit sa lahat, ENJOY ka sa ginagawa mo.